‘It was beautiful, peaceful,’ says wife on Johnny Delgado’s passing
11/20/2009 | 11:34 PM
Sa harap ng kalungkutan, nagkuwento si Direk Laurice Guillen tungkol sa mga huling araw ng kanyang kabiyak na si Johnny Delgado na pumanaw sa sakit na kanser nitong Huwebes.
Isang taon ding nakipaglaban sa kanyang karamdaman na lymphoma o kanser sa immune system ang beteranong aktor na si Johnny, o Juan Marasigan Feleo sa tunay na buhay, ayon sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas.
Sa kabila nito, sinabi ni Direk Laurice na mapayapa ang puso at isip ng mister na lumisan sa mundo dahil nakausap nito ang halos lahat ng kaibigan at mga kamag-anak.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
“It was a beautiful and peaceful passing… lahat ng mahal niya sa buhay, lahat ng may issues sa kanya, nagpunta," pahayag ni Direk Laurice sa Chika Minute ng GMA new 24 Oras nitong Biyernes.
Pinili raw nila na maging tahimik sa sakit ni Johnny pero ang malalapit na kamag-anak at kaibigan nila ay madalas nagpupunta sa kanilang bahay lalo na sa huling mga buwan nang nabubuhay pa ang aktor.
“Si LT (Lorna Tolentino) sabi e papahiram niya yung bed ni Rudy (Fernandez), siyempre ok lang sa amin, yung mga ganun, kumilos agad sila," kuwento niya.
Tulad ni Johnny, sa sakit na kanser din pumanaw ang asawa ni Lorna na si Rudy noong nakaraang taon.
Ibinahagi rin ni Direk Laurice ang kanyang pamamaalam sa huling sandali ng minamahal na mister.
“Sabi ko magpahinga ka na, we’ll be okey…I didn’t even hear the exhale, narinig ko na lang yung oxygen na hindi ini-inhale. Pero ang ganda ng mukha," ayon sa biyuda ni Johnny.
Si Johnny ay kabilang sa sikat television gag show na Goin’ Bananas noong 1980s. Tumanggao siya ng parangal bilang pinakamagaling na aktor sa FAMAS Award at Metro Manila Film Festival Award sa kanyang pagganap sa pelikulang Tanging Yaman taong 2000.
Ihahatid si Johnny sa kanyang huling hantungan sa Martes. – Fidel Jimenez, GMANews.TV