Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang miyembro ng komunistang grupo.
Sa Senate Resolution No. 1561, hiniling ni Cayetano na imbestigahan ng Senate committee on national defense and security, ang ginawang pag-aresto sa mga health workers kahit walang warrant of arrest na ipinakita ang mga awtoridad.
Iginiit ni Cayetano, kandidatong senador ng Nacionalista Party ni Sen Manny Villar, na ang pag-aresto sa isang na walang arrest warrant ay paglabag umano sa Saligang Batas at karapatang pantao ng mga akusado.
Inaresto noong Pebrero 6 ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang 43 health workers sa bukirin na pag-aari ni Dr. Melecia Velmonte sa Brgy. Maybangcal, Morong Rizal. Kabilang sa mga inabutan sa lugar ang dalawang duktor, isang nurse at isang kumadrona.
Sinasabing nagsasagawa ng health training seminar ang grupo na inorganisa ng Council for Health and Development (CHD) at Community Medicine Development Foundation (CMDF) nang mangyari ang paghuli,
Bahagi umano ng seminar ang pagpapalitan ng kaalamanan at kakayahan ng health professional at community health workers upang mapaunlad ang kapasidad sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mahihirap na mamamayan.
Ayon kay Cayetano, lantarang nilabag ng mga awtoridad ang Saligang Batas partikular ang Section 2 ng Article III na nagsasaad na, “The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized."
Batay sa mga naglabasang ulat, sinalakay ng may 300 tauhan ng militar at pulisya ang compound ni Dr. Velmonte dakong 6:15 a.m. nang walang pasabi. Tinutukan umano ng mga awtoridad ng baril ang caretaker ng lugar at puwersahang pumasok.
“Isinagawa ito nang walang warrant of arrest at tanging depektibong search warrant ang kanilang dala na siyang tahasang paglabag sa kanilang karapatan laban sa hindi makatarungang pagsisiyasat at pag-aresto," ayon kay Cayetano.
Kabilang sa mga inaresto sina Dr. Merry-Mia Clamor, Dr. Alex Montes, nurse Gary Liberal, midwife Teresa Quinawayan, at community health workers Lydia Obera, Reynaldo Macabenta, Angela Doloricon, Delia Ocasla, Janice Javier, Franco Remoroso, Ailene Monasteryo, Pearl Irene Martinez at Elen Carandang.
Ipatatawag umano ng Senado sina Rizal PNP Chief Supt. Marion P. Balonglong kabilang ang hepe ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army at Lt. Celeste Frank Sayson, hepe nng Public Affairs Office ng Army's 2nd Infantry Division at Maj. Gen. Jorge Segovia, commander ng Army's 2nd ID.
Iginiit naman ng awtoridad na pawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga dinakip na health workers. - GMANews.TV